OLALALALALA… Ako ay nasa computer shop ngayon at may katabi akong bumbay. May kausap siya ngayon sa skype at ako ay naririndi sa salita nila. Shetmalu! Hindi ko siya maintindihan. Hindi naman sa chismoso slight lang pero talaga namang nakakarindi eh. OK yun lang muna.
Gagawa nga pala ko ng bagong account sa tumblr. Pero sa account na yun, nandun na lahat lahat ng gusto kong sabihin na hindi ko direktang masabi sa mga gusto kong sabihan.
Lagi ko sa kanya sinasabi na ‘bahala ka kung ayaw mo magtext!’, ’ah leche!’, ’ewan!’ ‘naiinis na’ko sayo hah..’ Sinasabi ko rin sa sarili ko na ‘ayaw mo magtext, ehdi hindi rin ako magtetext’, kumbaga patibayan kami kung sinong unang susuko.
Pero ewan ko ba naman kung bakit sa lahat ng oras at pagkakataon eh ako yung unang sumusuko. Samantalang siya, ayun..wala talagang pakielam kahit sabihin ko na nasasaktan na’ko. Natatakot naman ako sabihin sa kanya na ‘ayoko na, na gusto ng ko ng makipaghiwalay’ kasi natatakot talaga ko na mawala siya kahit sobra na’kong nasasakatan.
Hayyy. Buhay naman talaga, talagang hindi pantay pantay yung pagmamahal na pwedeng ibigay sayo ng karelasyon mo.
Minsan,kailangan mo rin tanggapin na ginagamit ka lang dahil wala sya.Hndi ka naman talaga pinaasa,kusa ka lang umasa,hndi porke kayo noon pwede pa ulit paging kayo ngayon.Tanggapin mo na habang nagbabago ka,ganun dn sya.Hindi lahat ng tao sinasadya kang saktan,nagkataon lang na hinayaan mo ang sarili mong masaktan kahit sa una palang alam mo ng hndi na ikaw ang mahal.


(may pagka fail din kasio yung cam ko ehh..)
Hindi ko talaga malaman kung sino toh.. Kung si Dominic o Felix Roco.
Pero kahit ganun pa man.. Ok na ok lang. xD
Ang angas ng itsura niya.. Sh***tttss lang! Talaga naman eh.
Mas nagustuhan ko siya kesa kay Richard Gutierrez.. Oo andun din si Richard. Post ko next time.. medyo natatamad pa ko eh.. haha
I love you na .. xDD <3 :)


Schoolmate and Batchmate ko siya nung High School. Never ko siyang naka usap, naka close. Kahit magpakuha ng litrato sa kanya wala ako. Ewan nga ba, eh campus crush naman siya. Lagi din namin siyang katapat sa hanay pag may flag ceremony every monday. Madalas nakikita ko na ang laging pinagtitinginan sa hanay ay siya tsaka yung ex gf niya na sumali naman sa My Girl din ng abs-cbn, yung #24 si Kimberly Briones 
Yan naman si kim, naging kaibigan ko siya nung mga maliliit pa kami, mga 5 yrs old ata kami nun.. eh kaso maraming nangyari sa mga buhay buhay namin kaya ayun. hanggang maging dalaga na kami hindi na kami nakapg pansinan. Kung tawagin natin ay ‘ilangan.’
—
—
Balik tayo kay Alec, hindi ko alam kung bakit siya sumali sa PBB. Tinanong nga din ako isang beses ng tita ko kung bakit siya sumali, at kung ano daw drama niya sa buhay, ang sinabi ko nalang ‘ewan ko..’ Mabait naman yan si Alec kahit na ganyang gwapo (maraming nagsasabi tulad nung isang tita ko na naging estudyante niya noon si Alec, at isa di yung classmate ko ngayong college na bestfriend niya nung high school). Sana lang hindi lumaki yung ulo niya tulad nung ibang artista, pag sumikat na siya ng todo todo.
So yun lang laman nitong blog ko. Sana nabasa niyo.
Paki support nalang din siya lalo na at malapit na ang PBB Teens. Thank you
Here we go, come with me
There’s a world out there that we should see
Take my hand, close your eyes
With you right here, I’m a rocketeer
Let’s fly…
Up, up here we go, go
Up, up here we go, go
Let’s fly…
Up, up here we go, go
Where we stop nobody knows, knows ♫♫♫
——-
Yeahh! Masyadong akong na curious sa kantang yan eh. Lagi ko kasing nababasa dun sa story na diary ng panget. And nung napakinggan ko. NICE naman pala talaga yung kanta. Nakaka adik din pakinggan. Bagay siya dun sa story. :))
Alam mo yung ice cream na Magnum?
Yung pagkamahal mahal na ice cream na pinagkakaguluhan ng bayan ngayon. Na 50 pesos ang price. Na kasing laki lang ata nung ice drop nga ba tawag dun? Yung madalas itinitinda pag fiesta na 10 pesos lang ata ang price na madalas may pinipig o ube na flavor tsaka cheese.
Anung lasa? Masarap ba? Solve ba naman yung 50 pesos na ginastos mo pangbili sa isang piraso nun?
Kung ako sa inyo, bibili nalang ako nung ice cream na mumurahin. Yund kadalasan na kung tawagin natin ay Dirty ice cream. Pero hindi naman talaga siya dirty. IRDK bakit yun tinawag na dirty. Eh wala namang dumi. Dahil ba sa itinitinda siya sa kalye kaya tinawag na dirty? Eh may takip naman, okey naman din yung pangkuha ng ice cream, may plastic pa sa kamay si manong pag naglalagay sa apa. So paano naging dirty yun?
Ay ang gulo.
Ay basta, mas bet ko pa rin na bilhin yun. Bukod sa mura, pinoy na pinoy pa. :)
At sa 50 pesos na yun, pwede na’kong manlibre ng 9 na tao, pang 10 ako. Kasi 5 pesos lang naman eh.
Ohh di’ba ang mura?
So bakit kailangan pang bumili ng pagkamahal mahal? Eh pare parehong ice cream lang naman yun na nakakapag palamig ng mga lalamunan natin na sa bandang huli eh lalabas din naman sa mga pwet natin at magiging tae.
Isip isip dude.
Pero siguro pag pinatikim niyo ko nun, eh magbabago pananaw ko sa magnum na yun. Kahit tatlo lang… >;)

(Source: emoterangewam)

Sana nga =_=

The best ka talaga. Napa ngiti ako dito. :)